Saturday, September 02, 2006

wala namang PERPEKTO

ikaw ay nagdaramdam, puso ay nagdurugo
hindi mo yata alam, kung saan ka patungo
ikaw ay naliligaw, isip ay nalilito
ayaw mo nang gumalaw, hindi ka na sigurado

ikaw ay napupuwing, minsan nagbubulagan
mata ay nakapiring, daan ay kadiliman
ikaw ay nadadapa, napipilayan din
di makapagsalita, anong ibig sabihin

wala...wala naman...wala namang perpektong tao
ano ba ang epekto, kung meron kang depekto

ikaw ay nawawala, minsan ay nawawalan
di ka naniniwala, puno ng alinlangan
ikaw ay nanliliit, ligtas ka ba sa rehas
bakit ka nakapiit, bakit ka tumatakas

ikaw ay natatakot, parang walang hangganan
ang kirot ng bangungot, di mo makalimutan
ikaw ay nanlulumo, bilang na ba ang araw?
gusto mo nang sumuko, bundok ang nagugunaw

wala...wala naman...wala namang perpektong tao
ano ba ang epekto, kung meron kang depekto
ano ba ang epekto, kung meron kang depekto
ano ba ang epekto, kung meron kang depekto
ano ba ang epekto, kung meron kang depekto

ikaw ay inaanod, walang kalaban laban
tuluyang nalulunod, tungo sa kalaliman
ikaw ay nalulula, agad kang nahuhulog
bumabagsak sa lupa at biglang madudurog

ikaw ay nagdurusa, kaya pa bang tumagal
hindi na makahinga, lalo pang nasasakal
ikaw ay dumadaing, dala mo ba ay sumpa
para kang inililibing at ipinagluluksa

wala...wala naman...wala namang perpektong tao
ano ba ang epekto, kung meron kang depekto
ano ba ang epekto, kung meron kang depekto
ano ba ang epekto, kung meron kang depekto
ano ba ang epekto, kung meron kang depekto

wala...wala naman
wala namang perpekto
ano ba ang epekto kung meron kang depekto
wala namang perpektong tao...